Supplemental budget sa mga biktima ni ‘Sendong’ isinusulong

UMAPELA si Cagayan Rep. Jack Enrile sa Kongreso na magpasa ng isang supplemental budget para sa rehabilitasyon ng lahat ng komunidad na sinalanta ng bagyong Sendong.

“We need to put in place a “Marshall” Plan that can jump-start the economies of the two areas hardest hit, Cagayan de Oro and Iligan as well as the other 11 provinces affected.”

Tinukoy ng kongresista na hanggang sa mga oras na ito ay umabot na sa P1 bilyon ang mga nawasak na ari-arian at aniya’y matatagalan pa bago tuwirang matukoy ang eksaktong halaga ng nawasak.

“Passing a supplemental budget is the surest way to get them back on their feet. We cannot do otherwise. Congressional leaders should muster the votes and get this legislation out. It is our institutional duty.”

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC) sinasabing ang halaga ng pinsalang naidulot sa agrikultura at paaralan ay P999,946,415 samantalang sa imprastraktura ay nasa P998,010,000.

Sa mga nasawi naman, iniulat ng NRRMC na nasa 976 katao ang namatay, 1,603 ang sugatan at nasa 46 katao ang nawawala habang umaabot pa rin sa 10,039 pamilya o 44,213 katao ang nasa 60 evacuation center.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply