Surigao del Sur niyanig ng 5.0 magnitude na lindol

INUGA ng 5.0 magnitude na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur Martes ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng lindol dakong 4:34 ng madaling araw sa karagatan o sa layong 47 kilometro ng hilagang kanluran ng Tandag, Surigao del Sur.

Nasa 10 kilometro lamang ang lalim ng pagyanig at wala namang napaulat na napinsala o nasaktan.

Kaugnay nito, mahigpit ngayon ang ginagawang monitoring ng Phivolcs sa kalagayan ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Patuloy ang naitatalang pagyanig sa nakalipas na 24 oras at siyam na volcanic quakes ang na-record ng ahensiya mula sa naturang bulkan.

Ayon kay Mr. Henry Imperial, resident volcanologist sa lalawigan, na nananatili sa 4 kilometer ang itinakda nilang permanent danger zone dahil sa abnormal na aktibidad ng Bulusan.

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa alert level 1 ang Bulkang Bulusan.

Samantala, nakaalerto naman ngayon ang lahat na lokal na opisyal ng mga lugar na nasa  dalisdis ng naturang bulkan dahil sa posibleng pagragasa ng lahar anumang oras dahil sa patuloy na nararanasang matinding buhos ng ulan mula pa noong mga nagdaang araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply