Susi: Pananampalataya sa poong maykapal

SA kabila ng kilala ang Malaysia sa pagkakaroon ng ibang paniniwala kung ikukumpara sa ating paniniwala sa aspetong pang-relihiyon, hindi iyon naging sagabal upang makapaglingkod at masuklian ni Richard ang lahat ng biyaya na ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal.

Sa kabila ng pagiging isang inhinyero ni Richard ay naglilingkod rin siya bilang isang pastor sa Malaysia. Nagsimula ito nang ang bible study group na kanyang kinabibilangan ay mangailangan ng isang manggagawa na mangunguna, sapagkat ang kanilang tagapanguna ay ipinadala sa bansang Australia upang doon magtrabaho. Noon nadama ni Richard ang kanyang espesyal na calling mula sa Panginoon.

“Nagstart lang kami sa mga bible study group ng isang Pastor, hanggang yung pastor namin ay nakapunta sa Australia dahil siya ay isang engineer din. Naiwan itong congregation sa amin, na tinatawag na Good News Christian Fellowship. So nang naiwan ito sa amin, pinagkaisahan na ako ang mag-lead,” kwento pa niya.

Sa kabila ng katotohanan na mahirap kumuha ng working permit sa nasabing bansa ang isang pastor ay hindi napigil at nahadlangan ang kagustuhan ni Richard na makapaglingkod sa Panginoon kahit nasa isang bansa siya na may ibang paniniwalang pangrelihiyon.

“Sabi ko nga, special calling yan. Hindi ko pwedeng sabihin sa Panginoon ang “Lord, ayoko.” So tinanggap ko na rin, so nag-aral ako sa school of ministry, in-ordain ako ng Mother church, parang naging permanenteng pastor ng GNCF,” salaysay pa niya.

Sa kasalukuyan ay ginagampanan ni Pastor Richard ang kanyang tungkulin bilang isang inhinyero kasabay ng kanyang tungkulin sa ministeryo ng Panginoon sa Malaysia.

Para sa kanya, ang lahat ng kanyang tinatamasa ay buhat sa pagpapala ng Maykapal at ang kanyang tagumpay ay hindi magiging posible kung hindi na rin sa tulong ng Panginoon.

“Sa mahirap na buhay na dinaanan ko, somehow, pinaraan ako riyan para malaman ko yung talagang damdamin ng isang tao na naghihirap at saka yung papaano mo makikita talaga na kailangan mo ang Panginoon sa buhay mo,” dagdag ni Richard.

Sa isang Kristiyanong bansa na gaya ng Pilipinas naniniwala tayo na ang lahat ng bagay- masama man o mabuti, mahirap man o madali, biyaya man o pagsubok- ay mula sa Maykapal na siyang susi at nagbibigay lakas sa atin para mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay na ating tinatahak.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: Biyaheng Langit/Kasangga mo ang Langit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply