Susi: Pananampalataya sa Poong Maykapal

MAYKAPAL ang gumagabay sa bawat tagumpay na nakakamit ng bawat isa sa atin.

Sa aking panayam kay Richard Retita sa Malaysia ay isinalaysay niya sa akin kung paano niya unti-unting narating at naabot ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon sa tulong at biyaya ng Maykapal.

Taong 1988 nagtapos ng kolehiyo si Richard, subalit sa kabila ng kasiyahan na kanyang nadarama dulot ng kanyang pag-graduate ay ang pangamba na baka wala siyang mapasukang trabaho sapagkat nagkataong mayroong nagaganap na recession sa bansa noong mga panahong yaon.

Isang civil engineer at tubong Bacolod City si Richard, nasa Pilipinas pa lamang siya ay iba’t ibang trabaho na ang kanyang pinasok upang makatulong sa pamilya at kumita
ng pera.

“Noong nasa Pilipinas ako, iba’t ibang trabaho yung pinasukan ko. Naging teacher ako part time, naging part time din sa department store para lang kumita ng pera at makatulong sa pamilya,” wika niya.

Nagtrabaho rin siya sa Public Works and Highways bago nabuksan ang isang pintuan para sa kanya upang makipagsapalaran sa ibang bayan.

Dahil panganay sa pamilya at dahil na rin sa nakikitang kahirapan ng buhay kung kaya’t minabuti niya na magtrabaho sa ibang bansa.

“Panganay ako sa aming pamilya, at nakikita ko yung mga kapatid ko at yung kahirapan sa buhay.

“Yung mga kasamahan kong inhinyero mga wala ring trabaho so, kahit anong trabaho na lang ang gagawin namin kaya binalak ko talagang mag-abroad,” salaysay niya.

Hanggang sa mapapunta siya sa Bangkok, Thailand, kung saan ay nagtrabaho siya sa construction field na guma-gawa ng mga glass at aluminum.

Hindi nagtagal ay dinala siya ng kanyang kapalaran sa bansang Malaysia para sa mas malaki at malalim na misyon na itinakda sa kanya ng Maykapal.

Bagama’t noong una ay nanibago ang kanyang panlasa sa mga pagkain sa bansang kagaya ng Malaysia ay madali naman siyang nakapag-adjust dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga mamamayan doon. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply