Suzuki Auto Moto Grand Invasion

SA DARATING na Disyembre 15, muli na namang ilulunsad ng Suzuki Philippines ang Suzuki Auto Moto Grand Invasion sa SM Mall of Asia. Ito ay ang pamaskong-handog ng kompanya sa kanilang mga loyal kustomer at maging sa lahat ng filipino.

Sa loob ng tatlong, araw ang mga dadalo ay magkakaroon ng pagkakataon na masilayan ang lahat ng bagong modelo ng Suzuki cars at motorcycles. Naghanda rin ang Suzuki ng iba’t ibang games at sorpresang giveaways at prizes.

Magkakaroon din ng service center sa exhibit at ang mga bisitang nagmamay-ari ng Suzuki motorcycle ay maaaring makakuha ng libreng service check-up at change oil, mismo sa araw na iyon. Ang mga Suzuki car owners naman ay maaari ring dalhin ang kanilang mga Suzuki cars para sa libreng 20-point vehicle check-up.

Samantala, ang mga naghahanap naman ng trabaho ay inaanyayahan ring pumunta sa exhibit sapagkat magkakaroon din ng Job Fair sa exhibit.

Libre ang entrance fee kaya tumungo na sa SM Mall fof Asia sa darating na Disyembre 15 hanggang Disyembre 18!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply