Sweldo ng public school teachers itataas pa

PINAGTIBAY na ni Senator Bong Revilla ang Senate Bill Number 3082 na magpapataas sa sweldo ng public school teachers sa Salary Grade 15.

Ayon sa senador, hindi na nakapagtataka kung bakit maraming guro ang nag-aabroad dahil sa napakaliit ng kita nila sa Pilipinas.

Dapat kasi ay mahalintulad ang kanilang sweldo sa iba pang propesyon sa National Capital Region (NCR).

Napag-alaman na kulang na kulang ang P15, 649 na sweldo sa mahigit P21, 000 para masabing sapat na para mabuhay ng maayos ang isang propesyonal.

Karamihan sa mga guro ay gumagawa ng kanilang sariling pamamaraan tulad ng pagbebenta ng iba’t ibang produkto o kagamitan, beauty product, at under wear para sa karagdagang kita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply