Tagle sa Pinoys: Buksan ang puso kay Hesus

UMAPELA sa publiko si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na buksan ang kanilang mga puso para tanggapin ang pagdating ng Panginoon sa araw ng Pasko, na araw din ng Kanyang pagsilang.

Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Tagle na ang pagdating ni Hesus sa mundo ay senyales ng pagpapalaya sa sangkatauhan mula sa mga ‘bagay’ na sumisira sa buhay at dignidad ng tao kaya dapat aniyang buksan ang ating mga puso at tanggapin ang Panginoon sa Kanyang pagdating.

“In the midst of the ruins of life, society and creation due to human sinfulness and pride, the Word of God deemed it worthy to become one of us, not to condemn but to save us as a compassionate brother,” bahagi ng Christmas message ni Tagle.

“Let us welcome Jesus and allow His light, justice, truth and mercy to transform us and society,” aniya pa.

Ani Tagle, kasabay nang sabik na paghihintay ng mamamayan sa pagdiriwang ng Pasko bukas, mahalaga rin na alalahanin ng mga ito ang sentro ng Christmas hope.

Tiniyak pa ng arsobispo na kaisa ng mga mahihirap at mga naaapi, gayundin ng mga biktima ng mga natural disaster sa Northern Mindanao, ang Manila Archdiocese at buong Simbahang Katolika sa pananalangin at pag-asa para sa isang mas magandang bukas.

Samantala, sa kanyang Christmas message, nagpaalala rin naman si Pope Benedict XVI sa publiko na ipagdiwang ang Pasko sa tunay na diwa nito.

Nanawagan din ang Santo Papa sa mga Katoliko na huwag masyadong magpakalunod sa materyal na bagay tuwing Pasko.

Sa halip aniya, dapat isapuso ng lahat ang tunay na diwa ng Pasko at hindi ang komersiyalismo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply