Tagle umupo na bilang bagong arsobispo ng Maynila

UMUPO na bilang bagong arsobispo ng Maynila si Bishop Luis Antonio Tagle matapos nitong palitan sa puwesto si Cardinal Gaudencio Rosales, 75 na nagretiro na.

Si Tagle ay ang itinalagang ika-32 arsobispo ng nabanggit na lungsod.

Ilang mga kasamahang obispo, pari at parokyano ang nagsagawa ng tinatawag na “Karakol” o isang dance ceremony sa harap ng simbahan ng Manila Cathedral sa Intramuros kaninang umaga, na bahagi rin ng festive welcome kay Tagle.

Tinatayang may 800 pari, 500 seminarista at 75 obispo ang dumalo sa seremonya kaya naman naging mahigpit ang seguridad sa paligid ng Manila Cathedral.

Kabilang rin sa mga dumalo sa installation ay ang mga malalaking personalidad na sina Supreme Court Chief Justice Renato Corona, U.S. Ambassador Harry Thomas at presidential sisters na sina Balsy, Viel at Pinky Aquino.

Si Tagle ay tatayong arsobispo ng Maynila kung saan nasasakupan nito ang mga lungosd ng Makati, Pasay, Mandaluyong, San Juan at ang lungsod ng Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply