Taho-making business babantayan

UPANG maprotekhan ang kalusugan at kapakanan ng mga residente ng Quezon City lalo na ng mga kabataan, pinamamanmanan ni Mayor Herbert Bautista ang taho-making businesses sa lungsod.

Sa isang executive meeting Sabado ng umaga, inasatan ni Mayor Bautista si City Health Department Head Antonietta Inumerable, na isama sa listahan ang mga establisimyento para isailalim sa mahigpit na inspeksyon at pagmo-monitor ang mga gumagawa ng taho, na inilalako at halos ibinebenta sa iba’t ibang lugar maski sa mga parke ngayong holiday season.

Napansin kasi ni Bautista na dahil sa holiday vacation, karamihan sa mga pamilya ay nagpapalipas ng kanilang oras sa mga parke na kanilang pinakapaboritong lugar para mag-relax at makipag-bonding sa kanilang mahal sa buhay.

Ang parke rin aniya ay paboritong lugar ng mga taho vendor para ibenta ang kanilang produkto sa mga kabataan.

Tungkulin aniya ng city government, na bantayan ang kalusagan ng bawat isa lalo na ang mga kabataan dahil sila ang mas lapitin ng sakit na tulad ng diarrhea at iba pang stomach problems.

Nais din ni Bautista na kasamang ipatigil ang pagbebenta ng recycled o used cooking oil sa mga palengke dahil posible itong magdulot ng lason sa pagkain na iluluto sa Bagong Taon at sa iba pang okasyon.

Nauna rito, binalaan ni the Quezon City veterinary office (CVO) head Dra. Ana Maria Cabel ang iba’t ibang chicken dressing facilities na nag-ooperasyon sa Kamuning, Commonwealth, Suki at Frisco market na ayusin ang kanilang  safety standards sa paghawak ng kanilang produkto.

Kinumpiska ng CVO ang iba’t ibang meat product tulad ng ham, salami, skinless longganisa, at siomai sa siyam na meat processing facilities sa Barangays Talipapa, Payatas, Sauyo sa may Mindanao Avenue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply