Tangkang pagpaslang kay Rep. Canonigo kinondena

MARIING kinondena sa Kamara de Representantes ang tangkang pagpaslang kay Kakusa Partylist Rep. Ranulfo Canonigo kahapon (Disyembre 11).

Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na walang lugar sa isang sibilisadong komunidad ang karahasan partikular ang may kinalaman sa pulitika.

Nakalulungkot aniya na may ganitong tangka sa isa nilang kasamahan at kaibigan niya sa Kamara na maaaring ika-alarma hindi lamang ng iba pa nilang miyembro kundi ng publiko.

Apela ni Batocabe sa law enforcement agencies na bigyang-proteksyon ang lahat, kabilang na ang mga miyembro ng Kamara, upang higit na magampanan ang kanilang tungkulin bilang mambabatas.

Sinabi naman ni CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna na hindi na bago ang death threat sa mga kongresista at iba pang public servants lalo na yung mga lumalaban sa katiwalian at pang-aabuso.

Aniya, kahit mismo siya ay nakatatanggap ng mga hate at death messages pero nananahimik na lamang siya at nag-iingat.

Giit naman ni Tugna na kung may reklamo at galit laban sa sinumang kongresista, dapat ay idaan sa ligal na proseso at hindi sa dahas.

Pasado alas-5:00 ng hapon kahapon nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek si Canonigo bago pa man ito nakalabas sa kaniyang tahanan sa Marikina.

Kasalukuyan pa ring nasa pagamutan si Canonigo at nagpapagaling sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply