Task Force Arroyo binuo na ng PNP

ISANG task group ang binuo ng Philippine National Police upang matiyak ang seguridad ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kasalukuyang under arrest sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. binuo nila ang Task Force Former President GMA para sa kaukulang security blanket na kanilang ilalatag para sa dating pangulo.

Responsabilidad din ng binuong task force ang pangangasiwa sa seguridad ng gagawing paglilipat kay Arroyo mula St. Luke’s Medical Center sa Taguig papuntang Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City sa susunod na linggo.

Ang Task Force Former President GMA ay pangungunahan ni National Capital Regional police Office chief, Director Alan Purisima.

Ayon pa kay  Cruz sa isinagawang press briefing sa PNP national headquarters sa Camp Crame, mananatili si GMA sa VMMC’s presidential suite, ang dating kuwarto na ginamit ni former President Joseph Estrada habang dinidinig ang kaso nitong plunder ilang taon na ang nakalilipas.

Kabilang sa mga inilalatag na security plan ang deployment ng opisyales para sa  civil disturbance management, route security, at maging paglalagay ng mga  K-9 dogs.

“Sufficient layers of security, including policewomen at the hospital, will be maintained. Visiting hours will be allowed as provided by law and hospital rules on the matter…Security procedures will be implemented [for] everybody,” ani Cruz

Hindi naman  umano kalayuan sa isang hotel room ang paglilipatan ng dating pangulong

Ito ay kaugnay na rin ng isinagawang ocular inspection kahapon ng  umaga, tiniyak ni Interior Sec. Jesse Robredo na magiging komportable para sa dating pangulo ang kaniyang magiging kuwarto sa nabanggit na government hospital.

Sa ngayon umano ay patuloy pa ang ginagawang renovation work sa gagamiting presidential suite ni Arroyo.

Ang fully air-conditioned na presidential suite ay may kabuuang sukat na 150 square meters at mayroong anim na kuwarto, kung saan, isa ang nakalaan sa pasyente, may dining room, kitchen at sariling kuwarto para sa mga staff at security.

Samantala, papasanin ng gobyerno ang magiging gastos sa pananatili sa government hospital ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Paliwanag ni Robredo, dahil korte ang nag-utos para mailipat ng VMMC si Arroyo, aakuin umano ng pamahalaan ang gastos dito.

Tiniyak naman ng kalihim na ibibigay ng DILG kay Arroyo ang lahat ng pangangailangan nito sa nasabing pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply