Task force vs HIV-AIDS pinabubuo kay PNoy

HINIHIKAYAT ng grupong Network to Stop HIV and AIDS in the Philippines si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na bumuo ng presidential task force upang sugpuin ang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at  Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Base sa grupo, ang task force na ito ang mangunguna sa paglaban ng pamahalaan laban sa nakamamatay na sakit.

Pakikilusin rin ng task force ang mga local government unit (LGU) para maghatid ng serbisyo na may kinalaman sa pagtugon sa mga pangangailangan ng AIDS at HIV victims. .

Iminumungkahi rin nila Kay Pangulong Aquino na maglaan ng emergency fund na magagamit sa pagsugpo ng naturang sakit.

Ang pahayag ng grupo ay matapos na iulat ng (DOH) na walong kaso ng AIDS at HIV ang kanilang naitatala sa bansa bawat araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply