Tatlong hunk actor pare-parehong boy toy ng very influential gay businessman

SA RAMI ng negosyo at pagiging trillionaire ng very influential na gay na ito na hindi na kabataan, mga 80’s pa lang ay nag-umpisa na itong makipag-relasyon sa isang matinee idol na kababalik lang noon ng Pinas dahil tinakasan ang magandang youngstar na daughter ng beteranang aktres na hindi pabor sa kanya. So nag-start ang affair ni rich gay at ng actor na ating tinutukoy nang mag-comeback ito sa showbiz kung saan todo-todo ang suportang ibinigay sa kanya ng kanyang gay lover/ benefactor.

Tanggap na tanggap ni bading ang misis na actress ni actor at naging mag-amiga pa nga sila. Sa ngayon, medyo lie-low na sa “churvahan” ang dalawa (actor at gay lo- lover) dahil may mga bagong Papa nang kinagigiliwan ang madatung na bading.

Sila ay ang tatlong hunk actors na ‘yung dalawa ay pareho ng network at ‘yung isa namang medyo bata-bata ay nasa bagong istasyon. Pero ang talagang winner sa tatlo ay itong si young actor na namutiktik talaga ng maraming grasya mula sa tinutukoy nating gay na lalong sumikat ang name ngayon.

At any rate, hindi rin nagpapatalo sa kanya ‘yung dalawang hunk dahil saganang-sagana rin ang mga ito sa sustento. Si matinee idol na nasa 50’s na ay tuloy pa rin ang tinatanggap na allowance mula sa kanyang Asucarera de Mama.

Pero teka, may nagbulong sa inyong dear columnist na natikman rin pala ng trilyonaryong bading ang tsinitong actor na naging dyowa noon ng magandang aktres na misis na ngayon ng aktor. By the way, kung inaakala nyong puro wagi at walang tumatanggi rito sa Mama natin ay nagkakamali kayo, dahil ‘yung medyo nakakalbong actor ay tala gang face to face ay sinabi nito sa emisaryo o nakipag-deal sa kanya para magkita sila ng pinag-uusapang bakla sa Pilipinas na hindi siya pumapatol sa third sex. Yes, para kay actor ay “yucky” ang makipag-affair siya sa bayot. Magmalinis gyud!

***

Coco Martin at Judy Ann Santos pareho ng excited

KASALUKUYANG nasa Canada si Coco Martin para sa series of shows nila ni Angeline Quinto at Maja Salvador. We heard na 9 days bale tatagal ang nasabing concert tour. Bago umalis si Coco ay masayang-masaya ito dahil sa siya ang nagwaging Best Actor sa nakaraang 25th PMPC Star Awards for Television dahil sa mahusay na portrayal nito sa dual role sa teleseryeng pinagbidahan na “Minsan Lang Kita Iibigin.”

Samantala, kung excited na itong si Coco sa movie gagawin nila together ni Judy Ann Santos early next year na kanya ngang ibinalita sa ipinatawag niyang birthday-presscon three weeks ago na suportado ng kanyang manager na si Sir Biboy Arboleda, ay ganito rin pala ang feeling ni Judy Ann at nagpahayag ito ng kanyang excitement sa project nga nila ni Coco.

Say pa ng aktres sa isang interview sa kanya ay excited na nga siya na makatrabaho si Coco dahil marami siyang matutunan dito. “I’m hoping na itong pelikulang gagawin namin ay magustuhan ng mga tao.”

Why not coconut? At tiyak na babaha ng luha sa mga sinehan sa husay at galing umarte nina Juday at Coco. Di ba, kapatid na Eric John Salut?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply