Teddy bears galing China, pina-recall sa Amerika at Canada

DAHIL sa dulot na panganib ng stuffed toy na teddy dear, pinababawi na ng America at Canada ang halos 300,000 teddy bear mula sa China.

Ayon sa US Consumer Product Safety Commission, ang mga teddy bear na pinabalik ay dahil sa hindi maayos na pagkakayari nito.

Nabatid na nagtatanggalan ang mga mata ng laruan na may posibilidad na malunok ng mga bata na posibleng magresulta sa kanilang kapahamakan.

Sa sinumang nakabili ng teddy bear ng Build-A-Bear Workshop Company, maaari itong ibalik sa pinagbilhan at papalitan na lamang ng ibang animal stuffed.

Sa kabila nito, wala namang naiulat na nabiktima bago pa man magdesisyon na ipa-recall ang mga produkto ng nasabing kompanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply