Temperatura sa Baguio pumalo sa 12.2 degrees

PUMALO sa 12.2 Degrees Celsius ang temperature sa Baguio City, ang itinuturing na summer capital ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Authority (PAGASA-Baguio), naitala ang pinakamababang temperature kaninang madaling-araw.

Inaasahan ding makararanas ng mas matindi pang lamig sa ilang lugar tulad sa lalawigan ng Benguet at sa bayan ng Atok na karaniwang nakararanas ng ‘frost bite’ ang mga residente.

Ayon sa PAGASA, inaasahang mas bababa pa ang ang temperetura sa mga susunod na araw sa mga nabanggit na lugar at ito ay tatagal ng hanggang  Pebrero.

Maliban sa iba’t ibang tourist spots, ang malamig na klima ang isa sa dinarayo ng mga turista sa City of Pines.

Sa selebrasyon lamang ng Pasko, umakyat ng 70 percent ang hotel accommodations sa lungsod.

Ayon pa sa mga hotel at inns, marami na ring nagpareserba sa kanila para sa doon salubungin ang Bagong Taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply