Testigo vs GMA, poprotektahan ng Senado

TINIYAK ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano na bibigyan ng proteksiyon ng Senado ang sinumang lalantad na testigo hinggil sa naganap na dayaan noong 2004 at
2007 national elections upang tuluyang madikdik si dating Pangulo ngayon Pampanga
Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“To those involved in the cheating, come out, tell the truth and become state witnesses. If you need protection, if you need to apply for immunity or you want to turn state witness, let’s assess your testimony and evidence and give you the protection allowed by the law,” ayon kay Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na pinakamahalaga sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado na mabigyan ng oportunidad sa lahat ng saksi na makapagsalita at magkaroon din naman ng pagkakataon ang mga inaakusahan na maipagtanggol ang kanilang sarili.

“That all sides can speak and everyone can defend themselves would negate any attempt at a  demolition job. What’s important is that everyone is given a fair opportunity,” aniya.

Nauna nang kinasuhan ng Comelec si Arroyo ng electoral sabotage matapos lumantad ang ilang mahahalagang testigo na nagsasabing ang dating Pangulo ang nag-utos ng dayaan.

Nitong Martes, ibinulgar naman ni Ahmad Mamucao, dating consultant ni ex-maguindanao Gov. Datu Andal Ampatuan Sr., na mismong nadinig niya kay Arroyo na dapat magkaroon ng 12-0 pabor sa kandidato ng administrasyon noong 2007 sa Senado.

Isa si Cayetano sa dinaya sa lalawigan ng Maguindanao noong 2007 kabilang si Sen. Panfilo Lacson at dating senador, Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply