Teves gigisahin sa pautang ng DBP, LB

HAHARAP sa Martes ng umaga si dating Finance Secretary Margarito Teves sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay sa kaduda-dudang pagpapautang  ng Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines sa kompanyang pag-aari ng negosyanteng si Roberto Ongpin.

Inaasahan ng mga Senado ang pagpapaliwanag ni Teves kung paano naipagkaloob ang  $180 million syndicated loan sa kompanyang may $2 capital na hawak ni Ongpin mula sa dalawang government-owned banking institutions.

Ayon kay Senador Serge Osmeña, chairman of the Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, ang pag-iimbita kay Teves upang mabatid ang naging papel nito kabilang na rin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kuwestiyunableng pagpapalabas ng DBP at LBP sa nasabing loan sa Global Air Services (GAS).

Nauna rito, napag-alaman na inaprubahan ng DBP ang $90 million (P3.8 billion)  loans noong December 2008 kahit walang credit application at loan applicant at naipalabas ang naturang halaga sa loob ng tatlong linggo para sa GAS na walang lisensyang magnegosyo sa bansa at ang  authorized signatory ay si Josephine Manalo, ang long-time secretary ni Ongpin.

Nabatid pa ni Osmeña, ginamit ng GAS ang nasabing halaga upang bumili ng stocks at  bonds sa Metro Rail Transit Corporation (MRTC) kabilang ang dalawa pang kompanya na hawak din ni Ongpin, ang Presidio Capital Holdings Limited at Ashmore funds.

Naganap ang naturang “syndicated loan” noong si Teves pa ang kalihim ng DOF at ex-officio Chairman ng Land Bank of the Philippines kung saan ipinagkaloob sa GAS, kompanyang nakarehistro sa British Virgin Islands subalit walang kapasidad para makautang.

Ani Osmeña, aalamin niya kay Teves ang nilalaman ng Executive Order No. 855 na inisyu ni GMA kaugnay sa guidelines  para sa pagtake-over ng gobyerno sa operasyon at pamamahala ng MRT3 project sa pamamagitan ng National Development Company.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply