Text messages, tawag ng mga Globe subscriber dumagsa

DUMAGSA sa aking cellphone ang mga text message at tawag  mula sa mga Globe subscriber na nagkaroon din ng  problema na katulad ng naging problema ko sa Globe Telecommunications matapos na mabasa rito sa pahayagang REMATE ang aking column.

Tulad ng inirereklamo ko, daing ng mga subscriber ang biglaang pagkawala ng kanilang load.

Hindi pa man nila ito nagagamit ay zero balance na agad.

Ilan sa mga natanggap kong message ay nakasaad ang ganitong mensahe.

(09179047379) “Good pm po. Kababasa ko lang ng column niyo sa Remate.

Ganyan din po ang sa cellphone ko. Kalo-load ko lang ng 10:00 am ng Dec. 25, aba, at 2 pm ng same date wala na, zero balance daw up 2 now po.”

(09269838913) “Good pm ho, Lily Reyes. Ganito rin ho ang nararanasan ko sa TM at Globe.

Kapag mahigit sa 50 pesos ang ipinalo-load ko, mayamaya lang kahit ‘di mo pa nagagamit, pag-check ng balance mo, paubos na.

‘Di ka pa nakapagte-text, huh!. Walanghiya na rin tong TM.

Wala na bang magagawa ang mga kinauukulan sa pagnanakaw na ito?

Nagpa-load naman ang isang ginang sa kanyang cellphone at sa kanyang mister na pulis ng tig P50.00 noong December 24 ng gabi.

Pumasok daw ang  nasabing load sa kanilang cellphone ngunit noong gagamitin na ay ayaw mag-send ang kanilang mga mensahe  at laking gulat ng mag-asawa nang mag balance inquiry sila. Wala na yung kalo-load lang na P50.00.

Saan napupunta ang mga nawawalang load ng Globe Telecommunications, bakit hindi paimbestigahan at pagtuunan ito ng pansin ng mga kinauukulan at ng National Telecommunications  Commission o NTC?

Hayan ang sinasabing simpleng pagnanakaw. Kahit na sabihing P10 la-mang ang  nawala sa iyo, sa dami ba naman ng Globe subscribers, aba eh, milyon  ang kanilang nakukuha. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply