Tigilan na ang mga walang kawawaang intriga at mag-move on na tayong lahat!

TAPOS na ang awards night sa pinaka-kontrobersyal film festival sa history ng pelikulang Pinoy. Sinabi lang ni Ate Kris (Aquino) na itataya niya ang kredibilidad ng kanilang angkan kung hindi mananalo si Dingdong Dantes bilang best actor ng festival, katakut-takot ng panglalait ang natitikman niya lately.

Honestly, inasmuch as ER Ejercito gave a sterling performance in the movie The Asiong Salonga Story, it’s an unassailable fact that Dingdong Dantes was also good in Segunda Mano.

In the end, no matter what everyone’s opinion is, the decision of the board of judges is final and irrevocable.

Masama pa bang 11 major awards na ang napunta sa movie ni Governor ER Ejercito na deserved naman talaga nito dahil work of art naman ang pelikula?

Kung si Gov nga ay tahimik na at game na game na tinanggap ang final verdict ng mga hurado, why can’t we do the same thing and put a stop to our endless harping and catty criticisms?

Porke ba’t nanalo si Papa Dingdong bilang best actor ay nilakad na o may lutuan nang nangyari?

Why can’t some people be objective enough for once and realize how good Dingdong is in this movie?

‘Yung mga critics na ‘yan, they’re only good in giving criticisms but wait until such time that they’re asked to direct their own movie and realize how inept most of them are, if not all of them? Hahahahahahahahaha!

Madaling mamintas. Madaling magtaray. Pero kung ikaw na ang gagawa ng kanilang gawain, would you be good at it?

Honestly, almost one hundred percent of the movie critics who were given the chance to direct their own movie came out as inordinate failures.

Magaling lang silang maghimay-himay sa gawain ng iba but give them the chance to excel at the field they claim to reign supreme in and realize how dumb most of them are. Hahahahahahahahaha!

I should know. I’ve watched how doltish their finished products have turned out to be and how amateurish to boot.

Hahahahahaha!

Kaya tanggapin na natin ang verdict ng board of judges at i-zipper ang mga bibig natin at huwag magmarung-marunungan sa field na wala naman tayong expertise whatsoever.

Tama?

Aminado tayong maganda ang movie ni Governor ER at breathtaking ang cinematography nito, pero contemporary naman ang approach ng Segunda Mano nina Kris at Dingdong at may aliw factor rin ito no matter what other people would say, in the same vein that we find Panday 2 enormously absorbing and awe-inspiring. Kitang-kita naman ang laki ng perang ginastos ng Imus Productions ni Bong at ng GMA Films kaya super quality ang pelikula.

On the side, na-enjoy rin namin ang “Shake, Rattle & Roll 13,” Eugene Domingo’s episode in particular, and the Tamawo episode as well, with Bugoy, Maricar Reyes and Zanjoe Marudo.

Simple lang ang atake ni Eugene sa kanyang role but underneath you’ll feel the inner conflict and anguish she was experiencing.

Kaya tigilan na ang pagkakatsang nang walang humpay dahil kumikita naman ang mga pelikulang kalahok and for us, that’s the most important thing.

Tama?

***

Backroom Inc. looks forward to a bigger, brighter and better 2012

CHRISTMAS is always a joyful and highly-anticipated yuletide season of the year for Backroom, Inc. It is a time of merry-making and thanksgiving for all the blessings received.

Last December 21, Backroom celebrated its annual Christmas Party at Area 05 in Tomas Morato. The party began with a Thanksgiving Mass officiated by Reverend Fr. Allan Samonte followed by a sumptuous dinner.

One of the highlights of the party was the MTV competition among Backroom staff where they made a cover version of their favorite song. Boy Abunda and K-La Rivera hosted the much-awaited contest. The distinguished panel of judges was composed of Ariel Reyes, Jay Ramirez, Blake Sarion, Rina Gloriani and Philip Rojas.

Leo Puri won the Music Video of the Year award with his rendition of the song California King Bed. Dale Magdangal (Lady Gaga’s Born this Way) won Second Place while Lance Sarmiento (Ariel Rivera’s Sana Ngayong Pasko) received Third Place. Liza Faraon (Katy Perry’s California Gurls) and Jamie Almario (Kamikazee’s Narda) bagged Fourth and Fifth Place, respectively.

Parlor games were also played with Backroom staff, artists and guests as contestants.

The cash prize for the Employee of the Year was donated to the victims of typhoon Sendong.

The night would not be complete without the much-awaited raffle draw where each staff brought home gifts and cash prizes. Likewise, raffle prizes were drawn for lucky guests. The grand prize winners were Luis Cardona and Liza Faraon.

Throughout the years, friendship blossomed, new acquaintances made and doors opened for Backroom staff and artists. New additions came, some left and relationships rekindled but love always prevail.

The Backroom artists present during the party were Sitti, Mariel Rodriguez, K Brosas, Gelli de Belen, Amy Perez, Aiko Melendez, Direk GB Sampedro, Arnold Reyes, K-La Rivera, Hansen Nichols, Calvin Millado, Duncan Ramos and Boy Abunda.

It was a night of fun and friendship as everyone celebrated the Backroom Christmas Party. Backroom now looks forward to a bigger, brighter and better 2012 with peace and prosperity for all!

***

Sam Pinto still very much in the running

NGAWNGAW to-the-max ang mga intrigera dahil after winning the year’s FHM’s sexiest, wala naman daw nangyari sa showbiz career ni Sam Pinto.

Tipong napakabata pa raw nito para malaos. Hahahahahaha!

Well, for the benefit of those who love to lambaste Sam in their cheaply written columns, she’s slated to star in one of GMA-7’s hottest soaps this coming year titled Legacy wherein she’ll co-star with the very elegant Heart Evangelista, along with the woman with the riveting sensuality Lovi Poe, among many others.

Tyumityempo lang ang GMA para mai-push nang husto ang career ng alaga ni Ms. Claire kaya manigas kayo sa inggit! Hahahahahahaha!

A woman of so many talents like Sam will never be out in the running.

Puwedeng mamahinga siya pansumandali but after she has rested and refuelled her energy, she’ll be back with a whopping vengeance.

Tama!

***

Nawalan na ng ningning ang career

ANG talagang natigbak ang career ay itong may ganda naman sanang not-so-young act- ress na nagkamaling lumipat sa isang madatung na network pero unfortunately ay wa- lang arrive sa publiko.

Talagang parang nabura na siya sa show business unlike nu’ng time na contract star pa siya ng isang sikat na network kung saan ay napag-uusapan pa rin siya kahit pa- pano dahil may acting talent naman siya kahit na di kagandahan ang PR.

Indeed, not even all the money in the world can save a flagging career from total annihilation if the network you’re working for happens to be anathema to the pub- lic. Hahahahahahahaha!

So kawawa naman! Huhuhuhu!

***

Tyron Perez sumabay sa pag-alis ng 2011

SOBRANG na-shock ang mga tagahanga ng tisoy na rating StarStruck hunk na si Tyron Perez when news about his mysterious death somehewhere in Que Grande in Barangay Ugong, Valenzuela City last Thursday (29 December, 2011) had practically demoninated last night’s news.

Bakit nga naman magpapakamatay ang isang young actor na hindi naman masasabing hirap sa buhay at may career naman kahit papano sa ABS-CBN?

Well, ang summation nang nakararami ay na-disappoint nang husto ang young actor sa lackadaisical outcome ng kanyang showbiz career na parang neither here nor there ang drama.

Bagama’t hawak siya ng isang magaling na direktor (Direk Jerry Sineneng if I’m not mistaken), parang disenchanted siya sa flow ng kanyang showbiz career, there was a time when he told his manager that he supposedly would want to quit from the biz and follow his wife abroad and stay there for keeps.

Oh, well, what a waste!

Twenty six years old palang siya ay para bang nawalan na siya ng ganang mabuhay.

Kawawa naman.

***

Na-guilty kaya tinawagan ang dating manager!

MABAIT ang bagong manager ni Vice Ganda and he’s definitely one of the most well-mannered guys in the business today.

Walang masamang tinapay kay Mr. Deo Endrinal and he’s one person who’s enormously respected in the business by virtue of his clean slate and integrity.

Pero ang kulang ang katinuan at di kagandahan ang pag-uugali ay ang bago niyang alagang si Vice Ganda na ang tindi nang ilusyon, di naman siya kagandahan at swerteng nakaeksena lang dahil sa kanyang knowhow or talent sa hosting na typical lang naman sa mga gay na galing sa mga comedy bars na ‘yan.

Sana naman ay huwag masyadong ipasok ni Vice ang kasikatan niya kuno sa kanyang kokote dahil nadaan lang naman siya sa media hyping.

Kung di paboloso ang PR ng kanyang dating manager na si Ogie Diaz, I don’t think he’s going to be well-loved by the working press.

Pasintabi kay Sir Deo, pero iba talaga ang tindi ng ilusyon ng bago niyang alaga, di naman kagandahang maituturing.

Kung si Sir Deo nga na Espanyol ang arrive at may pera’t well-connected ay napananatili ang humility, why can’t this gay comedian do the same thing?

‘Yung pang-i-ignore niya kay Ms. Ai-ai delas Alas ay isang gawaing di maganda.

Dapat ay matuto siyang rumespeto sa mga ahead sa kanya sa industriya at may talent talagang pinanday na nang panahon.

Hindi porket in siya this time ay magmamataray na siya at feeling invincible.

Excuse ha? Paayos mo muna ang ilong mo dahil di kagandahan ang gawa at magpunta ka sa isang competent orthodontics para maayos ang dentures mo.

Period. Walang comma! Hahahahahahahahaha!

Matuto kang rumespeto sa nakatatanda sa ‘yo at mas naunang sumikat tulad ni Ms. Ai.

Mas may talent siyang di hamak kung sa ‘yo lang naman na mas inuuna ang kayabangan sa katawan.

Period. Ayoko ng tsakaaaaaaa!

***

Star talaga si Ate Vi

SA COUNTDOWN ng GMA News TV, kasali ang pang-ookray ng mga taong idiotic ang points of view at walang alam sa mundo sa signage na balak sanang ipalagay ng mga kapanalig ng Queenstar for all seasons na si Ms. Vilma Santos sa Taal Volcano.

Honestly, wala namang masamang balak sina Ate Vi kundi ipaalam sa buong mundo na sa Batangas matatagpuan ang Taal lake and volcano na isa sa mga prominent tourist attactions ng kanilang lalawigan.

‘Yun nga lang, maraming inggitera’t kontrabida kaya postponed or on hold muna ang magandang balak sana ng kampo ng Queenstar.

Anyhow, it only goes to show how amazingly popular Ms. Vilma Santos still is, anything that she does or pays attention to, is veritably hot news material.

Ikaw na ang maging Queenstar for all Seasons! Hahahahahaha!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply