Tindahan sa Baguio nasunog

NATUPOK ng apoy ang isang storeroom ng tindahan ng isang establisyimento sa Minesview Park pasado alas-11:00 kaninang umaga, Disyembre 26.

Ayon sa Baguio Fire Department, maaaring mula sa upos ng sigarilyo nagsimula ang sunog kaya’t hindi agad ito napansin ng mga may-ari at mga nagbabantay sa puwesto.

Nabatid na isang saleslady ang nakapansin sa makapal na usok mula sa storeroom at agad ipinaalam sa may-ari na si Jeffrey Balingit.

Sinubukang apulahin ng mga ito ang sunog sa pamamagitan ng tatlong fire extinguisher.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply