Tinuhog ang TV5, GMA-7 at Imus Productions

GUMANAP si Alice Dixson na ina ni Marian Rivera sa filmfest entry ni Senator Bong Revilla na “Ang Panday 2.”

First time working with Marian?

“No, nakasama ko si Marian sa Enteng Kabisote (movie), parang… introducing pa lang siya,” bungad niya.

Ano ang masasabi ni Alice na big difference working with Marian na noo’y nagsisimula at ngayong big star na?

“Ah siguro mas malaki na yung talent fee niya,” tumatawang pahayag ni Miss Dixson. “Iyon lang, iyon lang. wala naman siyang pinagbago.”

Naririnig niya ang mga tsismis na suplada at maldita si Marian…

“Ah hindi naman siya nagpakita ng kasupladahan sa akin kung anuman. Okay naman.

“Magaan siyang katrabaho, she’s ano, she’s … nagkukuwentuhan kami, kasi we share the same dressing room, nagkukuwento siya about her lovelife, ganyan tapos… kasi pareho kaming Leo, tapos yung boyfriend niya yata Leo rin e. ‘Yung ex ko before, Leo so may tinatanong siya about sa ugali ng mga lalaking Leo, iyon. Kuwentuhan lang, ganun lang.”

Dati ay siya si Fae sa Okay Ka Fairy Ko TV series, pero ngayon ay kasama siya sa Ang Panday 2 na ang kalaban ay ang movie ni Vic Sotto at Ai Ai delas Alas na Enteng Ng Ina mo. How does it feel?

“Wala yun, trabaho lang yan, di ba? and I’m sure if Vic was in the same situation alam din naman niya na ano lang ito, business lang.”

Bakit nga ba siya huminto sa pagpe-play ng role bilang Fae sa Okay Ka Fairy Ko noon?

“I think the reason why I stopped playing Fae kasi that time graduating na ako sa San Sebastian medyo … I had a full load in school and I decided na mag-resign muna ako so I formally submitted my resignation and I was doing… marami akong ibang ginagawang projects at that time so sabi ko I need to let go of one show and it so happened na Okay Ka Fairy iyon.”

May action scenes ba siya sa Ang Panday 2.

“Oo. May lumilipad pa ako.”

“Actually a lot of my scenes, CGI [computer-generated imagery] so yung puwedeng  tumalon tapos blue screen.”

Kumusta na so far ang pagbabalik niya sa showbiz?

Maganda ang role niya sa “Glamorosa” ng TV5.

At kahit na affiliated siya ngayon sa Kapatid network ay nabigyan siya ng magandang role sa Ang Panday 2 na ang producer ay GMA Films at Imus Productions.

“Iyon din naman talaga ang gusto ko, magkaroon din ako ng exposures sa ibang networks kasi hindi naman po ako exclusive sa channel 5.

“Actually nung nakausap ko si Direk Mac [Alejadre, direktor ng Ang Panday 2], sabi ko ‘Direk Mac isama mo naman ako sa pelikula mo’.

“And then he was worried sabi niya, ‘Di ba 5 ka?’

“Sabi ko, ‘No hindi naman ako exclusive so puwede ako sa iyo.’

“So he said ‘Ah meron akong magandang role para sa iyo!’ “Nung nakita ko yung kuwento sabi ko, ‘Sali ako diyan!’

“And nagkaayos, mabilis nagkaayos kami agad sa fees and everything, sa shooting days, start kaagad ako.”

Nilinaw rin ni Alice na hindi totoong hiwalay na sila ng mister niyang si Ronnie Miranda na based sa Vancouver.

“Actually he’s doing his own business there, dito naman ang business ko so medyo we’re just separated. Through distance ha, hindi sa puso. And I’m going to see him nga for Christmas, I’m gonna spend time with him and then we’re gonna go to the States to spend time with my family.”

Tsuk!

-0o0-

HINDI totoong hiwalay sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza. Dumating nga siya sa album launching para 25th anniversary ni Dong sa Zirkoh, Tomas Morato para sumuporta.

So far, 10 years na raw ang marriage nila at bagama’t dumaraan din sa problema tulad ng ibang mag-asawa, naaayos din naman nila ito at hindi pa naghihiwalay.

Pati ang anak nilang si Jayda na ngayon ay eight years old na ay ka-duet din niya sa kantang ‘Daddy’s Day’ na napaloloob sa ‘Dingdong Download: 25th Anniversary songbook).

Samantala, ang naturang album ay naglalaman ng 16 tracks at kabilang dito ang collaboration niya with top artists tulad nina Sharon Cuneta (Maghihintay sa ’Yo), Rachel Alejandro (Paalam Na — duet version), Juris (Much Longer) at Gloc 9 (Limutin Ka).

“It’s my manager, Noel Ferrer, who told me it’d be nice to celebrate my silver year with a new album since my last one was almost a decade ago. He challenged me to write new songs for the album to help counter the decline of new OPM songs in the market. It made me realize I have so much more to offer after 25 years,” kuwento niya.

Si Dingdong Avanzado ay pumasok sa showbiz nu’ng 1987 kung saan ang mga hit songs niya ay Tatlong Bente Singko at Basta Kasama Kita. 43 na siya ngayon pero hindi nagbago ang mukha. “I got fat while we were in the States. Overweight ako ng 20 lbs. so I had to lose it when I got back. I also now have a regular band, the D.A. Band who performs with me.”

Wala rin siyang balak na bumalik ulit sa politics dahil naging konsehal siya rati ng QC. “Not in the near future. Ang lakas ng stress factor nun, e. I want to focus muna on music as there’s so much music left in me.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply