Titser inireklamo ng pangmomolestiya ng 4 students

INIREKLAMO ng pangmomolestiya sa pulisya ang apat na lalaking grade 5 students laban sa kanilang class adviser sa isang elementaryang paaralan sa Barangay San Isidro, Quezon City.

Nabatid na hinihipuan at hinahalikan umano ng guro na hindi pinangalanan ang mga biktima sa harap ng kanilang mga kaklase, habang bumibili ng meryenda tuwing recess.

Nabisto ang sinasabing pangmomolestiya ng guro sa kanyang mga estudyante nang magsumbong ang dalawang babaeng kaklase ng mga biktima sa mga magulang ng mga ito.

Nabigo naman ang mga pulis na maaresto ang guro dahil bigla itong naglaho sa paaralan, matapos malaman ang reklamong kinakaharap.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply