Todas kay ‘Sendong’ umakyat sa 1,257– NDRRMC

UMAKYAT na sa 1,257 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Sendong ilang linggo ang nakalilipas.

Tinataya namang nasa P1.382 bilyon ang halaga na ng mga ari-arian ang nawasak sa bagyo.

Sa huling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga nakukuhang patay mayroon ng 85 nawawala ang nakilala na habang 4,619 iba ang nasugatan.

Batay sa report ng NDRRMC, 113,411 mga pamilya o 720,860 katao sa may 789 mga komunidad sa 56 na mga bayan at walong lungsod sa 13 probinsiya ang naapektuhan ng bagyo.

May 10,984 bilang ng pamilya o 54,022 indibidwal ang nasa kanlungan ng 53 evacuation center.

Tinatayang aabot sa halagang P1,382,008,527, ang nasirang ari-arian kabilang ang halagang P1,105,356,000 sa infrastructure at P276,652,527 sa agrikultura.

Patuloy ang pagdating ng mga tulong mula sa mga dayuhang bansa para sa mga nakaligats sa trahedya.

Naglagay naman ang Department of Health ng Surveillance in Post Extreme Emergencies and Disasters (SPEED) sa mga evacuation center sa  Cagayan de Oro City.

Sa Iligan City naman, naglunsad ng pagbabakuna para sa mga kabataan ang DOH-Center for Health and Development team sa Ubaldo Laya Elementary School.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply