Toll increase simula sa Enero malabo pa

WALA pang katiyakan kung sa Enero 1 masisimulan ang pagpapatupad ng toll hike ng tatlong expressway sa bansa kasunod ng pagkuwestyon ni Atty. Ernesto Francisco sa rules of procedures ng isinagawang public hearing kahapon (Disyembre 6).

Sinabi ni Francisco na kagustuhan lamang ng mga expressway operator na simulan na sa unang araw ng Enero ang toll hike.

Paliwanag ni Francisco, binigyan siya ng Toll Regulatory Board (TRB) ng limang araw para isapormal ang kanyang pagkuwestyon sa rules of procedures at sasagutin pa ito ng nasabing ahensya.

Sa petisyon ng tatlong toll operator, humihiling ang SCTEx ng aabot sa 20 porsiyentong pagtaas sa singil.

Ang panukalang pagtaas ng toll sa Class 1 vehicles (mga kotse, dyipni, van) ay P324 mula sa kasalukuyang P272; sa Class 2 vehicles (mga light truck at bus), tataas ang toll rate ng P648 mula sa kasalukuyang P543; at sa Class 3 (trailers at malalaking trak), magiging P972 ang ngayo’y P815 na bayad.

Sa STAR Tollway, ang panukala ay gawing P64 ang P60 singil sa Class 1 vehicles; P129 mula sa dating P120 sa Class 2; at P193 mula sa kasalukuyang P179 para sa Class 3 vehicles.

Sa Cavitex, ang toll rates ay tataas ng P29 mula sa kasalukuyang P24 sa Class 1 vehicles, magiging P58 ang P48 toll sa Class 2 at P86 ang kasalukuyang P72 para sa Class 3.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply