‘Trabaho pagbutihin sa 2012 para walang bitay’– Rep. Angara

NANAWAGAN ngayon kay Pangulong Benigno Aquino III ang mga kongresista na palakasin at padamihin ang trabaho pagpagsok ng taong 2012 upang maibsan ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nasasadlak sa iba’t ibang kaso sa ibang bansa.

Sa Lingguhang Balitaan sa Serye, nanawagan sina Aurora Rep. Sonny Angara at Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino kay Pangulong Aquino kaugnay sa pagbitay sa ika-apat na OFW sa China dahil sa kasong pagdadala ng iligal na droga.

“Sana unahin natin sa 2012 ang trabaho para maiwasan ang bitay,” ayon kay Angara.

Maging ang pondo para sa legal assistance ay iginiit ni Angara na dagdagan dahil sa laki aniya ng remittances ng mga OFW na umaabot sa $18 bilyon na malaking sa ekonomiya ng bansa.

Iminungkahi rin ni Palatino na isama sa pre-departure orientation seminar (PDOS) sa mga OFW ang kultura ng mga bansang pupuntahan ng mga ito.

Sa panig naman ni AKO Bikol Party-list Rep. Rodel Batocabe ay sinabi niyang makabubuti kung bawasan ang kapangyarihan ng Bureau of Immigration upang hindi na makapangharang ng mga OFW na may ligal na dokumento.

Ayon kay Boatocabe, maraming insidente na hinarang ng Immigration ang mga OFW kahit sapat at legal ang dokumento na siyang nagtutulak upang ang mga OFW ay mapilitang magbigay ng suhol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply