Traffic lights papalitan na ng digital – MMDA

PAPALITAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang luma at hindi na epektibong “analog traffic lights” ng mga “digital” upang maging epektibo ang pamamahala sa trapiko sa Kamaynilaan.

“MMDA would shift to the use of digital traffic lights starting December 31. Give us six months to be able to complete the project,” ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino.

Sinabi nito na tinutulungan sila sa implementasyon ng proyekto ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT).

Bilang panimula, pawang mga piling interseksyon muna ang kakabitan ng MMDA ng mga digital traffic lights sa Disyembre 31 upang makita ang pagiging epektibo nito at mapag-aralan kung may problemang lulutang.

Kabilang dito ang “central business districts,” mga malapit sa paliparan at mga pier.

Sa pagpapalit ng lumang traffic lights, mas makatitipid umano ang pamahalaan sa gastos sa operasyon at sa tauhan.

Ipinaliwanag nito na ang Metro Manila ay may 455 pangunahing interseksyon na kailangang bantayan ng isa o higit pang traffic enforcer para mamahala sa trapiko.

Kung magkakaaberya naman umano sa inisyal na pagpapatakbo ng digital traffic lights, may mga naka-motorsiklong traffic enforcer na mabilis na reresponde para siyang mamahala ng trapiko sa mga apektadong pilot tests na lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply