‘Trial by publicity’ kay Palparan, inalmahan

TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa media matapos paratangan ng Association of General and Flag Officers Inc. (AGFO) na biktima ng trial by publicity ang puganteng si Major Jovito Palparan.

“Hindi naman po kasalanan ng media kung ganoon po ang nangyari. Nagsubok po siyang tumakbo, talagang maire-report po ‘yan,” ayon kay Usec. Valte.

Hindi rin nababahala ang Malakanyang kung makuha man ni Palparan ang simpatiya ng mga retirado at aktibong heneral sa bansa.

Ang katwiran ni Usec. Valte, karapatan ng bawat sektor na ihayag ang kanilang saloobin at opinyon sa usapin.

Sa kabilang dako, wala namang nakikitang masama ang Malakanyang kung mabuksan man ang ibang kaso laban kay Palparan gaya ng kasong rape at hindi lamang iyong pagdukot sa dalawang UP students.

Umalma rin ang Malakanyang ang ulat na sila ang nagbansag ng tawag na “berdugo” kay Palparan.

Binigyang diin ni Usec. Valte na wala siyang natatandaan kahit na isa man sa kanilang mga opisyal sa Malakanyang ang nagbansag kay Palparan na berdugo.

Kaya nga kumpiyansa ang Malakanyang na wala ni isa man sa mga sundalo ang mag-aaklas laban sa pamahalaan dahil sa mga nangyayari kay Palparan ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply