‘Trial by publicity’ kay Palparan inalmahan

UMALMA ang samahan ng mga aktibo at retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines sa ipinaiiral na trial by publicity laban kay Retired Major Gen. Jovito Palparan na nilalaro ng ilang media entities.

Kasabay nito, hiniling ng Association of General and Flag Officers (AGFO) of the Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghinay-hinay sa pagtrato kay Palparan na isang criminal dahil hindi pa naman ito nalilitis at napapatunayang nagkasala.

Sa pinalabas na statement ng AGFO: We request that the undue trial by publicity against MGen. Palparan, spawned by some media entities, be stopped. Let the Courts determine his innocence or guilt, in fair due process. The rule of law should prevail over the demands of interests groups in the courts of public opinion.

Subalit nilinaw din ng organisasyon na kaisa sila ng sambayanang Filipino sa paghahanap ng katotohanan kaya dalangin nila na maliwanagan ng pag-iisip si Palparan para lumantad at harapin ang mga akusasyon na ipinupukol sa kanya.

Umalma rin ang mga dating hneral sa pagbabansag kay Palparan na “berdugo” ni GMA.

“We are disturbed by the exploitation of the case of general Palparan, who has not yet been convicted by any court of law, and his projection as a serial murderer, a ‘berdugo’, based on evidences that are yet to be scrutinized in due process by the court,” ani Urgello.

Nag-ugat ang mga kasong kinakaharap ni Palparan sa pagdukot at pagkawala ng dalawang estudyante na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.

Target ngayon ang heneral ng manhunt operation na may reward na P500,000 para sa sinumang makapagtuturo at makadarakip sa kanya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply