TRO vs Corona impeachment, malabo – Miriam

HINDI naniniwala si Sen. Miriam Defensor-Santiago na magpapalabas ng temporary restraining order (TR) ang Korte Suprema upang pigilan ang Senado na litisin si Chief Justice Renato Corona bilang impeachment court.

Sa pahayag, sinabi ni Santiago na magkakaroon ng imbalance o hindi balanseng kapangyarihan ang mangyayari sa tatlong sangay ng pamahalaan sakaling magpalabas ng TRO ang Supreme Court laban sa punong mahistrado.

Para sa senadora dapat bilisan na lang ng Senado ang paglilitis kay Corona upang matuldukan ang isyu na ipinupukol sa kanya.

Nabatid na hiniling ni Vicente Millora, dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines sa Korte Suprema na maglabas ng TRO laban sa impeachment case na inihain kay Corona bunsod ng pag-abuso sa kapangyarihan ng mga mambabatas sa Kamara na naghain ng kaso laban sa punong mahistrado.

Sa Enero 16, 2012 ay magbubukas na ang Impeachment Court at sisimulan ang proseso para sa paglilitis kay Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply