Tropa maniniguro sa top spot

MAGTATAPOS bukas (Disyembre 11) ang elimination round ng 2011-12 PBA Philippine Cup kung saan kumpleto na ang round-of-8 at ang dalawang upuan para sa twice-to-beat incentive.

Ang huling dalawang pares na maglalaban bago mag-umpisa ang playoff ay ang Alaska Aces kontra Rain or Shine sa alas-4:15 ng hapon at susunod sa alas-6:30 ng gabi ay ang nangunguna sa team standings na Talk ‘N Text Tropang Texters laban sa crowd favorite Barangay Ginebra Kings na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Inupuan ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang unang bonus nang makakuha sila ng 10 panalo sa 13 laro habang kamakalawa (Disyembre 8) ay nahablot ng B-Meg Llamados ang pangalawang slot matapos nilang paluhain ang walang naipanalong laro na Shopinas.com Clickers, 86-74, na ginanap sa nasabing venue.

Nasa top spot ang Tropang Texters bitbit ang 10-3 win loss slate habang 10-4 record ang tangan ng Llamados.

May posibilidad na magkaroon ng three-way tie sa third to fifth spot kung parehong mananalo ang Kings at Elasto Painters.

Kapwa may 8-5 baraha ang Ginebra at RoS kung kapag nanalo sila bukas ay sasalo sila sa Petron Blaze Boosters na nasa third spot tangan ang 9-5 karta.

Ang ibang teams na nakapasok sa susunod na stage ay ang Meralco Bolts (8-6), Powerade Tigers (6-8) at Barako Bull Energy, (6-8).

Ang dalawang teams na nagbakasyon ng maaga ay ang Aces, (3-10) at Clickers, (0-14). Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply