Truck, bus nagsuwagan sa Negros Occidental, 2 utas

DALAWA ang namatay, habang marami ang nasugatan ng magbanggaan ang isang bus ng Ceres Liner at isang truck ng tubo, alas-4:00 ngayong hapon kanina sa Brgy. Biniquel, Kabankalan City southern part ng Negros Occidental.

Ayon sa inisyal na pahayag ng pulis, ang bus ay galing sa Bacolod at patungo na sa Kabankalan City habang ang truck na puno ng tubo ay nagmula sa Kabankalan at patungo ng Bacolod.

Patuloy namang inaalam ang sanhi ng banggaan samantalang ang mga sugatan ay dinala na sa ilang pagamutan na malapit sa Kabankalan City at sa Bacolod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply