Truck vs van: 1 sugatan

TILA sinalubong ng isang aluminum van sa kanyang mismong lane ang isang trailer truck sa Bonifacio drive sa lungsod ng Maynila kaninang alas-4:30 ng madaling araw.

Ayon kay SPO2 Marco Saunar ng Manila Traffic Investigation Unit, nagmamadali umano ang van at pumunta ito sa kabilang lane at nag-counterflow.

“Nagcounter-flow siya at dun na niya nasalubong yung truck. Head-on-collision yung nangyari,” salaysay ni Saunar.

Sugatan ang drayber ng van na si Ricky Eso, 30 at kaagad dinala sa pinakamalapit na pagamutan habang wala namang galos ang drayber ng trailer truck na si John Paul Bello.

Samantala, kaagad naman nagpadala ang Metro Manila Development Authority ng kanilang tow truck para alisin ang dalawang sasakyang nagbanggaan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply