Tserman, kamag-anak inireklamo ng pananakit

INIREKLAMO ang isang barangay chairman ng lungsod ng Maynila kabilang ang ilang miyembro ng angkan nito dahil sa pananakit at pangha-harass sa isang babae.

Sa ginanap na People’s Day ni Manila Mayor Alfredo Lim, sinabi ni Teresita Soreto, nagsimula ang hindi magandang pagtrato sa kanila ng barangay Chairman Rolito Patton Inocencio, ng Brgy. 629 Zone 63 matapos ang eleksyon noong 2010 kung saan nanalo bilang alkalde ng Maynila si Lim.

Ayon kay Soreto, nagagalit umano ang naturang tserman dahil sa pagiging maka-Lim niya dahil ang pamilya ng barangay official ay maka-Lito Atienza na kalaban at pinalitan noon ni Lim sa pwesto.

Sinabi pa ni Soreto na maging ang asawa ng tserman na si Delia at kapatid na si Helen ay hindi na rin maganda ang pagtrato sa kanya kaya naman hindi na nag-atubiling dumulog sa alkalde si Soreto upang ireklamo si Inocencio.

Nabatid na nito lamang Martes (Nobyembre 29) ay sinaktan umano ni Helen si Soreto at pagbintangan pang nagsumbong kay Raffy Tulfo dahil sa umano’y iligal na pasugalan sa kanilang barangay.

Pati umano ang pagdaan sa kalsada na itinuturing na kampo ni Inocencio ay ipinagbawal na rin kay Soreto na daanan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply