Tubig-baha tumataas: ilang residente sa Leyte lumikas

LUMIKAS na ang ilang residente sa iba’t ibang barangay sa Leyte dahil sa pagtaas ng tubig-baha bunsod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan.

Nabatid na bandang alas-3:00 kaninang madaling araw, nagsimulang tumaas ang tubig-baha sa Abuyog Leyte, kabilang din ang mga kalapit na lugar tulad ng mga bayan ng Javier, Tolosa, Palo, San Miguel at pati na rin ang lungsod ng Tacloban.

Dahil dito, may mga nag-evacuate na sa ilang barangay ng Southern Leyte tulad ng Brgy. Hindag-an kung saan may apat na pamilya ang lumikas dahil sa posibleng pagguho ng lupa.

Sa Brgy. Mahayag, Southern Leyte, isang pamilya rin ang nag-evacuate at tatlong pamilya naman sa Brgy. Sitio Socorro, dahil sa pagtaas ng tubig baha.

Nababahala na rin ngayon ang ilang mga residente ng lungsod ng Tacloban lalo na sa V&G Subdivision dahil halos lampas tuhod na ang pagbaha.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply