Tubiiiggg ang kailangan sa Bulacan Water District

INIREREKLAMO ng mga residente ng San Jose del Monte, Bulacan ang palaging alanganing gawa ng Bulacan Water District.

Kung hindi hapon, umaga, kung kailan na gagamitin ng mga tao ang tubig ay saka lang na magsisikilos ang mga hindot diyan.

Tulad na lamang noong nakaraang mga araw, kung kailan pa may pasok sa eskuwelahan ang mga bata ay siya namang pagkawala ng pampaligong tubig ang mga estudyante.

Wala man lang ni panghugas ng puwet ang mga anak ng mga taga-Bulacan.

Ano ba ang pinaggagawa ninyo sa inyong trabaho, Bulacan Water District? Hanggang ngayon ay wala pa ring tubig sa Towerville 6B ng Barangay Gaya-gaya San Jose del Monte, Bulacan.

Aba’y ang balita namin ay sa pagputi na raw ng uwak magkakaroon ng tubig ang mga residente rito. Anong klaseng Water District kayo kung wala rin lang kayong magawa sa inyong mga trabaho.

Mga hindot kayoooooo!

Kapitan ng CIDG grabeng mangotong

Wow naman, sino ba itong isang alyas Capt. Pagaduan ng CIDG?

Ang lakas daw mangikil nito sa mga iligal na pasugalan ganong hindi naman siya ang tong-collector ng nasa-bing unit.

Ang balita ko nga ay ginagamit daw ni Pagaduan sa pangingikil niya ang pangalan ng kanyang boss na si Col. Francisco (Paco).

Walang habas at walang tigil na kinokotongan daw ni kapitan ang mga iligalista sa Metro Manila.

Halos nag-iiyakan daw ang mga iligalista sa laki ng hinihingi na ‘tara’ ni Pagaduan sa mga iligalista at ang pangalan ni Col. Francisco ang sinasangkalan.

Ultimo ang mga sugal lupa na lang ay hindi raw pinalalampas ni kapitan sa higpit ng pangangailangan ng amo nito.

Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email  sa juandesa-bog@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply