Tulak ng marijuana timbog sa PDEA

ISANG 32-anyos na tulak ng marijuana ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Davao del Sur noong bisperas ng Pasko

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling suspek na si Denmark Abellana, alyas Den-Den, ng  Ipil-Ipil Drive, Lapu-Lapu-Bataan Street, Barangay Aplaya, Digos City.

Si Abellana ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Davao del Sur Provincial Drug Enforcement Office (DSPDEO), Provincial Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (PAIDSOTF) at Digos Police sa aktong nagbebenta ng maliit na pakete ng marijuana fruiting tops na may bigat na sampung gramo sa isang undercover PDEA agent.

Nakuhanan pa si Abellana ng karagdagang malaking pakete at 25 maliliit na pakete ng marijuana fruiting tops, na nakabalot sa dyaryo at tumitimbang ng hindi bababa sa 500 gramo.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) at Section 11 (possession), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply