Tulong para sa CDO patuloy na dumarating sa Philippine Navy

PATULOY ang pagdating ng tulong sa Philippine Navy headquarters sa Roxas Boulevard sa Maynila na dadalhin naman sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Mindanao.

Ayon kay Navy Spokesman Lt Colonel Omar Tonsay, na nasa sampung 6×6 trucks pa ng relief goods ang nakapilang ikarga sa BRP Bacolod, na sister ship ng BRP Dagupan na una nang umalis noong nakaraang linggo.

Nabatid na tinatayang nasa 2,000 tonelada rin ang kapasidad ng BRP Bacolod at ngayon aniya’y nangangalahati na ang barko at posible pang madagdagan mamayang gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply