TV, bagong diyos ng mga Pinoy – Tagle

DISMAYADO ang bagong arsobispo ng Archdiocese of Manila dahil mistula na aniyang ginagawang ‘Diyos’ ng mga Pinoy ang telebisyon  dahil mas matagal pa ang iniuukol nilang oras sa panonood ng TV kumpara sa pananalangin o pakikipag-usap sa Panginoon.

Kasabay nito, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang mga Pinoy na mas paglaanan ng mahabang panahon ang pagdarasal kumpara sa mga hi-tech na kagamitan.

Sa kanyang homiliya sa isang misa, sinabi ng arsobispo na kapansin-pansin na mas maraming oras ang inilalaan ng tao ngayon sa mga makabagong kagamitan kaysa maglaan ng oras sa pagdarasal.

Bukod sa telebisyon, ilan pa aniya sa umuubos sa oras ng mga tao ngayon ay ang paggamit ng computer, cellular phone at iba pang hi-tech na gadgets.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng arsobispo ang mga Pinoy na upang makamtan ang kaligtasan ng kaluluwa ng isang tao ay dapat silang tumawag sa Panginoon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply