TV host namumudmod na ng pera, audience walang gana

ISANG gabi iyon nang ma panood namin ang show ng  TV host na ‘to na mabait naman at mapagbigay. Katunayan, ang programa niya ay nakasentro sa pagbibigay ng mga papremyo sa audience.

Ang problema, walang kabuhay-buhay ang kanyang programa. Nakaaantok. Ni Hindi ka man lang masisiyahan kahit namumudmod pa siya ng limpak-limpak na salapi. Maging ang audience ay parang mga tangang nakanganga lang sa kanya at tagus-tagusan ang tingin. Hahaha!

Saan ka naman nakakita ng host na panay ang pahinga sa pag-talk at kapag nagsasalita naman nauutal.

Nakalimutan ng host na ‘to na televised ang kanyang programa. Na kailangan maging masigla siya sa kanyang ginagawa para naman may entertainment value ang show niya.

Kung ganyang nagpapaantok lang siya sa manonood at hindi naman nakapagbibigay ng tuwa, dapat kada linggo ay magpapila na lang siya ng mga tao at isa-isa niyang bigyan ng pera.

Pati tuloy ‘yung mga co-host niya ay parang hilong-talilong na hindi malaman kung saan papasok at eeksena sa pagsasalita. Nahahawa sila sa kasyongahan ng host. Hehehe!

o0o

Pagkatapos ibuko si PNoy…
Valerie Concepcion humingi ng sorry

KAMAKAILAN ay nag-tweet si Valerie Concepcion at kanyang isinalaysay ang naging partisipasyon sa ginawang Christmas party sa Malacañang ng mga empleyado nito at ang kanilang mga pamilya. Kinumpirma rin niya ang pag-attend ni Pangulong Noynoy Aquino sa naturang kasiyahan.

Dahil sa binuko-buko ni Valerie ang mahal na Pangulo, ayan at nalagay siya sa alanganin. Maraming negatibong feedbacks siyang natanggap.

Pero alam nating wala namang ibang ibig ipakahulugan sa kanyang ginawang pag-tweet si Val. Nagkwento lang naman siya. Ang problema lang, hindi niya naisip ang magiging resulta at epekto nito kay PNoy.

Sayang nga lamang at binura na ng magandang dalaga (ina) ang kanyang mensahe sa Twitter account nito.

Anyway, bumawi naman siya at nagbigay nang paliwanag. Narito ang kanyang mensahe:

“I just want to clarify that I was invited to perform at Malacañang’s Christmas Party for their employees with their husbands/wives and kids. Yes, the president attended the gathering. I do not see anything wrong with that since its his obligation and responsibility being the head of Malacañang to be present and show his support for his hardworking employees and their respective families. But I believe that it doesn’t mean that the President is not thinking of ways to help our kababayan(s) in Mindanao. It doesn’t mean that the president is disregarding the plight of our fellow Filipinos. Let’s not be too quick to judge.”

“But if I, in any way, offended you guys and sounded insensitive, I am very sorry. It wasn’t my intention to do either. I can’t imagine how difficult life is for the people affected in Mindanao and how difficult it is to be the president of the Philippines at this moment.

Once again, I am very sorry for all those people I have offended. May God bless us all,” sabi ni Valerie.

o0o

‘Ikaw ay Pag-Ibig’  maghihimala ngayong Pasko

PASKO na ngayong Linggo at kasabay ng paghahanda ng mga pamilyang Pilipino para sa engrandeng selebrasyong ito ay ang patuloy na paglalakbay at ‘paghihimala’ ng mga ulilang batang bida ng top-rating ‘Christmas-serye’ ng ABS-CBN na “Ikaw ay Pag-ibig.”

Sa gitna ng paghahanap ng mga bata sa mga magulang ni “Baby Rafa,” tutukan ngayong linggo ang mga kaabang-abang na rebelasyon tungkol sa tunay na pagkatao ni Nonoy (Zaijan Jaranilla). Sa pagbabalik nina Agnes (Dimples Romana) at Andrew (Paulo Avelino) sa bayan ng San Gabriel, matuklasan na kaya nila na ang batang kalyeng si Nonoy at ang nawawalang anak ni Agnes na si Julius ay iisa? Tanggapin kaya agad ito ni Nonoy at tuluyang iwan ang mga kaibigan?

Samahan sa “Ikaw ay Pag-ibig” sina Nonoy, Angelica (Xyriel Manabat), Edison (Louise Abuel), at Tinay (Mutya Orquia) sa kanilang araw-araw na pakikipagsapalaran habang natututunan ang halaga ng taos-pusong pagbibigayan, lubos na pagmamahalan, at tunay na kahulugan ng Pasko.

Kasama rin ng apat na Kapamilya child wonders sa “Ikaw ay Pag-ibig” sina Alfred Vargas, Yen Santos, Bembol Roco, Mark Gil, at ang dalawang bagong Kapamilya child stars na sina Izzy Canillo at Gerald Pesigan. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jojo Saguin at Erick Salud.

Huwag palampasin ang “Ikaw ay Pag-ibig” gabi-gabi sa Primetime Bida, pagkatapos ng “TV Patrol” ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @IkawayPagibig sa Twitter, o i-‘like’ ang http://www.facebook.com/IkawayPagibig.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply