TV host tira-tirang regalo ang ibinigay sa press

WALA na yatang tatalo sa sobrang pagka-inuyat ng TV host/actress na ‘to na balingkinitan ang katawan, walang boobs at parang lapida ang behind. Hahaha!

Imagine, ang ibinigay daw nitong gift sa malalapit nilang kabagang sa media ay panyo na natira pa last year sa kanyang lumang baul dahil hindi naipamigay lahat?

Special delivery pa raw ang naturang gift na mas maganda at mahal pa ang ipinambalot kesa sa regalo. May ilang reporter pa nga ang naghinala sa nag-deliver ng gift na baka denekwat nito ang cash na kasama ng panyo.

Kahit anong pagpag kasi nila sa paper bag ay walang nalalaglag na sobre. Pero pamunas lang talaga sa luha ang laman ng lalagyan at wala nang iba. Hahaha!

Wala bang naipon ang hitad sa loob nang isang taon niyang pagtatrabaho na kung saan eh, nagkaroon pa siya ng sariling teleserye?

Nautang ba o natsani ng kanyang leading man ang kanyang anda kaya wala siyang mahugot nitong nagdaang Pasko? ‘Yan na nga ba ang sinasabi namin, huwag magpapaniwala sa lalaking hindi naman kagalingang kumanta at parang bangkay kung mag-perform onstage sa mga buladas nito sa kanya. Aba’y hustler ang mokong na ‘to. Kahit bading pinapatos nito para lamang makahuthot ng kwarta.

O, sige ineng, umpisahan na lang ang pag-iipon ngayon pa lang upang sa susunod na taon ay face towel na ang maibigay mo para naman makapal-kapal ang pampunas sa mga mata ng manunulat na punong-puno ng luha dahil sa sobrang pagka-disappoint.

o0o

MABUTI pa si Cristina Decena-Villasanta kahit hindi artista ay namudmod at nagpa-raffle ng libu-libo sa press people nung bago mag-Pasko.

Ang bait-bait pa ng kanyang PR. Kahit sinong manunulat welcome sa kanila. Kung hindi nga lang nagmamadali ang mga bading (dahil may iba pa silang raket nung araw na ‘yun) magpapa-bongga pa sana ang mabait at very generous na business woman.

Maging ang asawa nitong si Ariel Villasanta at ang biyenan niyang si Mommy Elvie ay enjoy na enjoy sa ginagawa niya. Larga lang nang larga ang sinasabi nila kapag maga-additional ng kadatungan si Cristina. Pati mga anak ni Madam ay masaya rin sa ginagawa ng kanilang maderaka.

Kuha nyo?

o0o

Dimples and Alfred nagkrus ang landas

LUMALANTAD na ang mga ikinubling katotohanan sa gitna ng patuloy na paglalakbay at ‘paghihimala’ ng mga bata sa top-rating Primetime Bida teleserye na “Ikaw ay Pag-ibig” na pinagbibidahan nina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Louise Abuel, at Mutya Orquia. Sa muling pagkukrus ng landas nina Agnes (Dimples Romana) at Mario (Alfred Vargas), kapwa kaya nila matuklasan na ang Nonoy (Zaijan) na nakilala nila ay ang nawawala nilang anak na si Julius? Iwan na kaya ni Nonoy ang mga kaibigan sakaling mabuo na ang kanyang pamilya? Tuklasin ang hiwagang idudulot ng pagkakabuo ng kanilang pamilya sa mas kapanapanabik na kuwento ng “Ikaw ay Pag-ibig,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @IkawayPagibig sa Twitter, o i-‘like’ ang http://www.facebook.com/IkawayPagibig.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply