Umbra Kato patay na – MILF

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagkamatay ng dati nilang kasama na si Umbra Kato.

Si Ustadz Ameril Umbra Kato, ang chairman ng bagong tatag ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM), ay namatay umano sa atake sa puso base sa kanilang reliable source.

Sa katunayan, kahapon ay nagsagawa ng 7th Day Kanduli sa loob mismo ng Camp Omar, Talayan, Maguindanao, kabilang sa mga nandoon ay ang mga kaanak ng pinuno ng BIFM.

Ayon kay MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar, itinago ang pagkamatay ni Kato para hindi bumaba ang moral ng mga tagasunod dito.

Sa isa pang impormasyon na ibinigay ni Jaafar, nailibing umano ang labi ng dati nilang kasamahan malapit sa kanyang bahay sa Camp Omar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply