Unang Pinoy cargo vessel ilulunsad na

ILULUNSAD ng Philippine Navy ang kauna-unahang Pinoy cargo vessel na BRP Gregorio del Pilar at landing Craft Utility (LCU) sa darating na Miyerkules (Disyembre 14).

Bukod dito ay isasabay na rin umano ang pagbibigay ng bagong pangalan sa Presidential yacht na “BRP Pagasa.”

Ito umano ay gagawing “Ang Pangulo” at ito ay magiging “floating Malacañang.”

Nabatid na nabili  mula sa US Coast Guard  ang BRP Gregorio del Pilar habang ang LCU naman ay kauna-unahang barko na gawa ng Pilipinas.

Tatawagin naman umanong BRP Tagbanwa ang pinakamalaking cargo vessel na gawang Pilipino.

Dadalo si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III Sa isasagwang commissioning ceremony at siya ang tatayong guest of honor kasama na rin ang iba pang Armed Forces of the Philippines at Defense officials. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply