UP nag-sorry sa Lantern Parade incident

HUMINGI na ng paumanhin kaninang umaga ang University of the Philippines administration sa 17 biktima ng pyrotechnic incident sa taunang pagkasa ng Lantern parade sa UP Diliman, Quezon CIty noong Biyernes ng gabi.

“Since 2003, the cherished lantern parade has culminated with pyrotechnics without any untoward incident.  This year, despite meticulous safety measures, it was unfortunate that in the last few seconds of the spectacular fireworks display,  a pyrotechnic misfired and landed in the midst of several affected spectators,” pahayag ng Office of the Chancellor.

Karamihan sa mga nasaktang manonood ay itinakbo sa University Health Service (UHS) para lapatan ng kaukulang medical attention sanhi ng pagkalapnos ng balat.

Sa naturang bilang ng nasaktan, isinugod naman sa Capitol Medical Center (CMC) sina Jomerson Salazar, 18-anyos ng Collge of engineering at ang 67-anyos na si Lucia Encinareal para rin sa kaukulang paggamot.

Si Salazar ay nagtamo ng putok sa ulo habang nabalian naman ng buto sa balikat si Encinareal. Bumuo naman agad ang UP Administration at parade sponsors ng multi-sectoral task force para imbestigahan ang sanhi ng insidente para hindi na maulit pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply