Update: 17 nasaktan sa paputok sa UP lantern parade

IMBES na sa kalawakan, sa mga manonood sumagitsit ang paputok na ikinasa sa tradisyunal at taunang lantern parade ng University of the Philippines Diliman, Quezon City Biyernes ng gabi (Disyembre 17) na ikinasugat ng 17 katao. Ito ang kinumpirma ng Quezon City Police District.

Ayon kay Superintendent Michael Macapagal, Anonas police station commander, na kinukuwestiyon na nila ngayon ang dalawang technicians na sina Mark Vallejo at Julieto Labete ng Solar Harvest Company na siyang in-charge sa fireworks display para sa nasabing lantern parade.

Depende sa kalalabasan ng imbestigasyon at kung magsasampa ng reklamo ang mga biktima, sinabi ni Macapagal na ang dalawa ay maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries.

Inihayag naman ni Vice chancellor for community affairs Melania Abad na ang mga opisyal ng unibersidad ay makikipag-usap sa fireworks contractor para imbestigahan ang insidente na naganap dakong alas-8:30 kagabi sa Quezon Hall, ng UP administration building, kung saan ipinarada ang mga floats at lanterns ng nagpartisipang mga kolehiyo para sa final round.

Dalawa sa 17 sugatang manonood na sina Lucia Dimaguila, 67, at Jomerson Salazar, 18, ay ginamot sa Capitol Medical Center sa Quezon Avenue.

Ang iba naman ay dinala sa U.P. Infirmary para magamot at ito ay sina Danice Daluyan, 4; Jene Jonel, 13; Jovy de Venecia, 12; Princess Cruz, 15; Floralyn Bonabine, 24; Jerome Esguerra, 11;  Camille Ruiz, 24; Dennis Jayme,18; Zheno Corpus, 15; Tennie Maulina, 34; Xavier Malilay, 26; Marie Rivera; Danica Uy, 14; Canon Esguerra, 41; at Danilo Tadong Jr.

Sinabi ni Macapagal na ang pagkakamali ng mga technician ang kauna-unahan sa kasaysayan ng lantern parade simula nang umpisahan ito noong 1922.

Tumanggi ang mga technician na magbigay ng mga detalye kung ano ang tunay na nangyari pero sinabi na ang kanilang kompanya ang siyang namamahala sa mga paputok.

Ang lantern parade, na ikinasaka tuwing Disyembre, ang senyales ng pagtatapos ng klase at ang simula naman ng Christmas break para sa mga estudyante sa U.P.

Nagpapaligsahan ang mga kolehiyo at iba pang U.P. units para sa pagkakasa ng malalaking floats at lanterns na ipinaparada sa paligid ng Academic Oval culminating sa Quezon Hall ng unibersidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply