Update: 171 todas, 200 nawawala sa bagyong Sendong

UMABOT na sa halos 200 katao ang iniulat na namatay habang mahigit 200 naman ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Sendong sa Nothern Mindanao.

Sa huling tala, umaabot na sa 171 ang bilang ng mga nasawi habang pinangangambahang tumaas pa ito sa mga susunod na araw.

Pinakagrabeng naapektuhan ng kalamidad ang lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan City.

Batay sa report mula sa ground na ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Jessie Dellosa kay Pangulong Benigno Aquino III, umabot na sa 92 ang nasawi sa Cagayan de Oro habang tinatayang nasa 100 pa ang nawawala.

Sa Iligan City naman ay kinumpirma na umabot na sa 79 ang bilang ng mga nasawi habang marami pa ang nawawala.

Maliban sa mga namatay at nawawala, daan-daang pamilya ang mga nagsilikas mula sa kanilang nawasak na tahanan dahil sa pagbaha na naganap kaninang madaling araw sa dalawang lungsod.

Sa ngayon, apektado pa rin ang supply ng kuryente, tubig, linya ng telepuno habang may mga lugar pang lubog sa tubig baha.

Kaugnay nito, inatasan na ni Pangulong Aquino ang Department of the Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development na agad na tulungan ang mga biktima ng baha at landslides partikular ang mga residente ng mga naapektuhang lugar sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Pinakilos na rin ng Philippine National Police ang kanilang search-and-rescue units para makatulong sa AFP na nagsasagawa na ng operasyon simula kaninang umaga.

Inatasan na rin ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang Bureau of Fire Protection na mag-supply ng tubig sa mga barangay sa Cagayan de Oro na kinakapos na sa inuming tubig.

Nagpadala na rin ang pamahalaan ng mga pagkain at ipinamahagi na sa mga apektadong residente sa lugar. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply