Update: 475 sa CDO, 279 sa Iligan patay kay ‘Sendong’

TINATAYANG 475 na ang bilang ng mga namatay sa paghagupit ng Bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City habang 279 naman sa Iligan City.

Ayon sa pinakahuling ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), karamihan sa mga nasawi ay hindi pa nakikilala at wala pang kumukuhang kapamilya.

Pangamba pa ng CDRRMC, maaaring kasama na sa mga bangkay na narekober ang buong pamilya ng mga hindi pa nakikilalang biktima.

Bukod sa mga nasawi, nasa mahigit 300 pa ang nawawala.

Samantala, 279 naman ang bilang ng mga namatay habang nasa 230 pa ang nawawala sa Iligan City.

Base sa panayam ng dzMM kay Iligan City Mayor Lawrence Cruz, walang natanggap na sapat na warning ang mga tao sa lakas ng nasabing bagyo.

Ayon pa kay Mayor Cruz, lumakas ang buhos ng ulan kung kailan mahimbing na natutulog ang mga tao.

“Siguro too late na nang marealize ng mga tao na napakalaki na ng tubig,” pahayag pa niya.

“Ang napakalakas na buhos ng ulan ay hindi sa lugar namin kundi sa mga bundok na dumaloy sa Iligan at Mandulog Rivers,” dagdag pa ni Cruz.

Ayon pa kay Mayor, hindi rin kumpleto ang river protection program ng lugar kaya nang umapaw na ang ilog ay nagkaroon nang matinding flashflood sa mga lugar na malapit doon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply