Update: Death toll sa bagyong Sendong 684 na

TUMAAS pa ang bilang ng mga taong namatay sa pananalasa ng bagyong Sendong, na kasalukuyan ay umabot na sa 684.

Ayon sa pinaka-huling ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na nawala na sila sa bilang kung ilan pa ang mga nawawala dahil patuloy na dumarating sa kanilang tanggapan ang mga pangalan ng mga taong nawawala.

Batay sa talaan ng NDRRMC, nasa halos 27,000 pamilya ang naapektuhan ng nabanggit na bagyo, habang nasa mahigit 44,000 katao na nagkakasya sa mga evacuation center.

Kabilang sa mga naapektuhan ng bagyo ay ang Regions 6, 7, 9, 10, 11, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply