Update: N. Korean leader pumanaw na

KINUMPIRMA ng isang state television announcer sa Korea na pumanaw na si North Korean leader Kim Jong-il noong Sabado sa isang train trip nito.

Inanunsyo ng brodkaster ngayong Lunes ng umaga na nasawi ang naturang lider sa edad na 69 dahil sa physical and mental over-work sa kaniyang pagbiyahe para sa magbigay ng “field guidance.”

Si Jong-il ay na-stroke noong 2008 ngunit nagawa pang makarekober sa kanyang sakit.

Dahil dito, sinisimulan na ng bansa na iproseso ang pagsalin ng kapangyarihan ni Jong-il sa kanyang anak na si Kim Jong-un.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply