Urban farming isinusulong sa Quezon City

MARIING hinikayat ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang mga residente ng lungsod partikular ang mga naninirahan sa mga posh villages at slum areas na i-adopt ang urban farming sa kanilang lugar upang makatulong at maibsan ang epekto ng climate change sa bansa.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na dapat magkapitbisig ang mga local officials ng Barangay Escopa III, Blue Ridge B Subdivision  at Ayala Heights gayundin ang mga miyembro ng iba’t ibang  Rotary Club chapters para magtanim ng gulay at iba pang pananim sa mga open at vacant spaces sa kani-kanilang lugar.

Ang programang tinawag na “Joy of Urban Farming” ay layuning maiparating sa mga taga-Q.C. ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga halaman sa mga bakuran para hindi na bibili ng mga sariwang gulay at makatutulong pa na maibsan ang epekto ng climate change sa mundo.

Naisailalim din ng proyektong ito ang may 23 public elementary school at 37 barangay sa lungsod noong nakaraang taon.

Sa pahayag ni Belmonte, ang naturang programa ay dati ng proyekto ni Mayor Herbert Bautista, noong vice mayor pa lamang ito. Ani Belmonte, kanya lamang itinuloy ito.

Ang QC ang pilot model ng urban farming na matatagpuan sa Quezon Memorial Circle.

Kaakibat ng programang ito ang pamamahagi ng buto at mga punla sa mga paaralan, barangays gayundin ang mga materyales para sa greenhouses at abono.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply