US Embassy sarado ngayong araw

WALANG magaganap na tranksyon ang Embahada ng Estados Unidos dahil sarado ito ngayong araw (Lunes, Disyembre 26).

Muli itong magbubukas bukas (Martes, Disyembre 27).

Base sa anunsyo ng embahada sa kanilang Facebook page, maging ang kanilang affiliated office ay sarado din ngayong araw.

“The U.S. Embassy in Manila and its affiliated offices will be closed on Monday, December 26, 2011. We will reopen to the public and resume services on Tuesday, December 27, 2011,” nakasaad sa FB account ng embahada.

Hindi naman naipaliwanag sa Facebook page ng US Embassy kung bakit sila sarado ngayong araw gayung hindi naman ito holiday sa Pilipinas.

Gayunaman, nabatid na maraming Amerikano ang nagdiriwang ng tinatawag nilang Boxing Day tuwing Disyembre kasama ang kanilang pamilya.

Habang ginugunita naman ng mga Filipino tuwing Disyembre 26 ang Feast of St. Stephen, ang kauna-unahang Christian martyr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply